^

Metro

Kasambahay kulong, Dugo-Dugo gang style ginaya

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng mga amo ng isang 20-anyos na kasambahay na nakapulot pa ito ng ideya sa kanilang ginagawang briefing kung paano makaiwas na mabiktima sila ng ‘dugo-dugo gang’, kaya ipinakulong ito dahil sa nawawalang P350,000 sa kanilang drawer,  sa Sta. Ana, Maynila, sa reklamo kahapon.

Kinilala ang suspect na si Leonisa Chua, tubong Northern­ Samar, na stay-in housemaid ng mag-asawang  Gina at Nelson Agana, residente ng #1941 Pedro Gil St. Sta. Ana, Maynila.

Nabatid na nauna pang dumating ang mga amo sa kanilang bahay mula sa pag­dalaw umano sa ospital kung saan nanganak ang isa nitong anak at nakita na lamang na wasak na ang kanilang drawer na pinagtaguan ng nasabing halaga.

Nang tanungin umano ang suspect, galit pa ito at ikinuwento na nagtungo siya sa Tayuman St., sa Sta. Cruz, Maynila kung saan umano ipinahatid ang na­sabing halaga­.

Una umanong may tumawag na inakala niyang ang among babae at sinabihan ang kasambahay na naaksidente si Nelson kaya kaila­ngan niyang magdala ng pera, dakong alas-9:00 ng umaga, kahapon.

Iginiit pa ng kasambahay na mismong ang among babae umano na tumawag sa kanya ang nag-utos na sirain na ang drawer dahil nahihilo na siya.

Nang magtungo sa Tayuman ay ipinaabot umano sa kanya ang dalang pera sa lalaking naghihintay na inilarawan na mataas at maputi.

Ayon naman kay Nelson, halos madalas umanong pag­bilinan ang kasambahay na may siyam na buwan nang naninilbihan sa kanila at tinuturuan hinggil sa posib­leng gawing modus ng mga kawatan tulad ng ‘Dugo-Dugo gang’ at ‘budol-budol’ kaya maaari doon umano nakapulot ng ideya ang suspect na ginawa nitong dahilan sa pagkawala ng kanilang salapi.

Patuloy pang iniimbestigahan ang suspect ni PO1 Ryan Faculan ng Manila Police District-Theft and Robberry Section.

 

LEONISA CHUA

MANILA POLICE DISTRICT-THEFT AND ROBBERRY SECTION

MAYNILA

NANG

NELSON AGANA

PEDRO GIL ST. STA

RYAN FACULAN

SHY

TAYUMAN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with