^

Metro

May sa pusa kelot nakuryente, pumailalim sa tren, nabuhay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Himalang nabuhay ang isang hinihinalang pa­laboy na lalaki makaraang makuryente at pumailalim pa sa umaandar na tren ng Metro Rail Transit (MRT) sa pagitan ng Cubao at Kamuning Stations sa Quezon City kahapon ng hapon.

Isinugod sa East Avenue Medical Center ang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasuot lamang ng berdeng short pants makaraang magtamo ng sugat sa ulo at sa dibdib.

Sa impormasyon buhat sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pasado alas-3 ng hapon nang biglang tumawid sa north-bound lane ng EDSA sa tapat ng New York Street ang biktima.  Sinita naman ito ng mga tauhan ng MMDA ngunit umakyat ito sa bakal na bakod ng MRT.

Nahawakan umano ng biktima ang “high tension wire” na nagsusuplay ng kuryente sa mga tren kaya ito nalaglag at tumama ang ulo sa riles.  Napahandusay sa gitna ng riles ang biktima habang tiyempong dumaan ang isang tren.

Tuluyang napailalim ang lalaki sa ilalim ng tumatakbong tren na huminto at nakapagpreno naman agad.  Dito nakita ang biktima na nasa ilalim ng tren at unti-unting nailabas nang buhay. Mabilis itong isi­nugod  sa pagamutan.

Dahil sa insidente, na­antala ang biyahe ng MRT ng higit sa 30 minuto na nag­resulta sa pagka-stranded ng libu-libong pasahero sa mga istasyon mula Taft Avenue hanggang North Avenue.

CUBAO

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

KAMUNING STATIONS

METRO RAIL TRANSIT

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NEW YORK STREET

NORTH AVENUE

QUEZON CITY

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with