^

Metro

Trader huli sa shabu

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang negosyante na suma-sideline bilang drug dealer ang naaresto ng mga element ng anti­-nar­cotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug bust operation sa Biliran.

Kinilla ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang akusadong si Eleodoro Suliva­, alyas Boy Negro, 28, ng Biliran, Biliran. Suliva.

Ang suspek ay ika-4 sa target list ng drug personalities ng  PDEA Regional Office 8 (PDEA RO 8).

Sinasabing si Suliva ay nahuli matapos maki­pag transaksiyon sa isang PDEA agent na umaktong buyer ng shabu.

Nakuha sa akusado ang dalawang plastic sachet ng shabu, isang black Honda motorcycle at P1000 bill na ginamit sa buy-bust money.

Kinasuhan na ng paglabag sa Section 5 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, dalawang kilabot na ‘tulak’ din ang naaresto ng PDEA operatives sa isang drug bust operation sa Pasig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Danny Ma­ngaduwal, 28  at isang Sarah Ulama, 40, kapwa ng Pinagbuhatan, Pasig City.

Nakuha sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na may halagang P150,000 at dalawang P500 bill na gamit sa marked money.

BILIRAN

BOY NEGRO

DANNY MA

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

ELEODORO SULIVA

NAKUHA

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with