^

Metro

2 sa Davantes slay, naghain ng not guilty plea

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng pag-amin sa pagdukot at pagnanakaw sa adver­tising executive na si Kristelle Davantes, not guilty plea naman ang inihain ng dalawa sa mga suspek sa pagpaslang sa biktima sa isinagawang arraignment sa Las Piñas City Regional Trial Court kahapon.

“Not guilty” ang kap­wa isinagot nina Reggie Diel at Lloyd Benedict Enriquez nang basahan ng sakdal sa sala ni Judge Salvador Timbang, Jr. ng Branch 253 sa kasong homicide. Sa kabila nito, uma­min naman ang dalawa sa kasong robbery.

Una nang sinabi ni Diel na hindi siya ang pumaslang kay Da­vantes dahil sa pinagmaneho lamang siya ng mga kasamahan ng kanilang get-away car habang sina Jomar Pepito at Samuel De­cimo ang nakasama ng biktima sa sasakyan nito.

Itinanggi rin ni Enriquez na siya ang personal na pumaslang kay Davantes na unang plano lamang nila na pagnakawan ngunit wala siyang alam na pa­paslangin ito ng mga kasamahan.

Bukod kina Pepito at Decimo, hindi pa rin nababasahan ng sakdal ang mga suspek na sina Joric Evangelista at ang patuloy na nakakalaya na si Baser Minalang. Hindi naman mabatid kung tuluy-tuloy pa rin ang manhunt operations kay Minalang­ makaraang ideklara na ng Task Force Davantes na naresolba na ang kaso.

Matatandaan na dinukot ng mga salarin si Davantes noong madaling-araw ng Set­yembre 7 habang pa­pasok sa kanyang bahay sa Moonwalk Village sa Las Piñas City. 

Natagpuan ang bangkay ni Davantes ma­karaan ang ilang oras sa ilalim ng isang tulay sa Silang, Cavite.

BASER MINALANG

CITY REGIONAL TRIAL COURT

DAVANTES

JOMAR PEPITO

JORIC EVANGELISTA

JUDGE SALVADOR TIMBANG

LAS PI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with