Pagsasara sa PSBA-QC, hinadlangan ng korte
MANILA, Philippines - Nagpalabas kahapon ng 20 day temporary restraining order (TRO) ang Quezon City court na nag-uutos sa management ng Philippine School of Business Administration sa lungsod na huwag munang ipatupad ang pagsasara sa naturang paaralan na epekÂtibo sana ngayon.
Kaugnay nito, iniutos din ng korte sa mga petitioners na pinangu nguÂnahan nina Mary Plet Paguiop at Patrick Lloret na maglagak ng bail band 200,000 sa korte kaugnay ng kaso.
Sa apat na pahinang kautusan ni QC-RTC branch 194 Judge CaÂtherine P. Manodon, ang mga petiÂtioners ay maaaring magdusa kung maipasasara ang PSBA-QC bago maisagawa ang writ of preliminary injunction tungkol sa kasong ito.
Ang pagdinig sa writ of preliÂminary injunction ay isasagawa sa October 24.
Ang mga mag-aaral ng PSBA-QC na pinangungunahan nina Lloret na kinabibilangan ng may 4,000 mag-aaral ay nagsampa ng petition for injunction sa korte upang pigilan ang pagsasara sa naturang paÂaralan dahil ang naturang hakbang ay pagÂlabag umano sa karapatan ng mga estud yante na makatapos ng pag-aaral.
Kasama sa mga respondents sa kaso ay ang registered stockÂholders Juan Lim at Ramon Peralta, listed stockholder Antonio Magtalas, Commission on Higher Education (CHED) chairperson Patricia LiÂcuaÂnan, at CHED National Capital Region Director Catherine Castañeda.
- Latest