Presyo ng petrolyo,muling tumaas
MANILA, Philippines - Itinuloy ng mga komÂpanya ng langis sa bansa ang panibagong pagtataas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo base pa rin umano sa galaw ng presyo ng langis sa internasyunal na merkado.
Pinangunahan ng Petron Corp. at Pilipinas Shell ang pagtataas habang nakisabay din ang PTT dakong alas-6 kahapon ng umaga.
Magkakaparehong presyo ang itinaas ng tatlong kompanya. Nasa 25 sentimos kada litro ang itinaas sa presyo ng premium at unleaded gasoline; 55 sentimos sa kada litro sa diesel at 35 sentimos sa kada litro sa kerosene.
Nitong nakaraang linggo, nagbaba sa presyo ng gasolina ang mga kompanya ng langis ngunit nagtaas ng 35 sentimos sa kada litro ng diesel.
Ang bagong oil price hike ay sa kabila ng igiÂnigiit ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na hindi maÂaaring magtaas ang mga kompanya ng langis dahil sa nagbalik na umano sa normal ang sitwasyon sa Syria.
Una nang nagbanta ang PISTON na muling susugurin ang mga kompanya ng langis at igigiit sa pamahalaan na magbigay ng P6 subsidiya sa kada litro ng petrolyo sa mga pampublikong saÂsakyan upang mapakinabangan ng sektor ng transportasyon ang bilyun-bilyong pork barrel umano ni Pangulong Benigno Aquino III.
- Latest