2 karnaper bulagta sa engkuwentro
MANILA, Philippines - Dalawa umanong karÂnaper ang nasawi makaraang makipagpaÂlitan ng putok ng baril sa tropa ng Quezon City Police District ilang minuto matapos na taÂngayin ng mga ito ang motorsiklo ng isang guro sa lungsod kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa ulat ng QCPD Criminal InvestiÂgation and Detection Unit, walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa mga suspect na ang isa ay nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants, itim na bonnet, may taas na 5’7’’, at sa pagitan ng edad na 35-40, may mga tattoo na “Sputnikâ€, Chinese chaÂracter sa kaliwang braso, at “Sinac†sa kanang braso.
Habang ang isa naman ay nakasuot ng itim na long sleeves, itim na helmet, naka-maong na pants, katamtaman ang pangangatawan, may mga tattoo na “Eston†sa likod at kaliwang braso at “Dino Lopez†sa kanang braso.
Nasawi ang mga susÂpect matapos na resÂpondehan ng tropa ng Police Station 4 ang biktimang school teacher na si Norman Sabado, 45, ng Brgy. Gulod, Novaliches na tinangayan ng motorsiklo.
Nangyari ang insiÂdente sa may kahabaan ng Doña Ricarte St., corner Capt. Berduceco Drive, Brgy. Nagkaisang Nayon Novaliches, ganap na alas-4 ng maÂdaling-araw.
Bago ito, alas-3:30 ng madaling-araw, habang sakay ng kanyang motorsiklo (NM-2392) ang biktima papasok sa trabaho at binabagtas ang kahabaan ng Susana St., corner Quirino Highway, Brgy. Gulod Novaliches nang harangin ng mga suspect na sakay ng isang motorsiklo.
Isa sa mga suspect ang biglang bumaba ng motorsiklo at tinutukan ng baril ang biktima saka puwersahang kinuha ang service motorcycle nito saka nagsitakas.
Agad namang dumulog ang biktima sa pulisya at humingi ng ayuda kung saan naÂispatan ng mga operaÂtiba ang mga suspect at tinangka nilang pahintuin, subalit sa halip na tumugon, pinaputukan umano ng mga suspect ang mga pulis dahilan para mauwi ito sa engkwenÂtro na doon bumulagta ang dalawang suspect.
Positibong kinilala ng biktima ang mga suspect na siyang tumangay sa kanyang motorsiklo.
- Latest