^

Metro

Training, seminars ng MTPB simula na ngayon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na  mas magiging epektibo at maayos ang  pagpapatupad ng  traffic rules  sa lungsod sa sandaling matapos ang mahigpit na training at seminars ng  mga traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Ang paniniyak ay ginawa ni  Moreno kasabay ng pagsisimula ng 15-day traffic training at seminar ngayong Lunes hanggang Oktubre 31.

Ayon kay Moreno na siya ring Manila’s Traffic Czar, karamihan sa mga traffic enforcers ay kulang  sa kaalaman at walang ganang magtrabaho bunsod na rin ng mababang sahod.

Sinabi ni Moreno na panahon na upang mabigyan ng respeto ang mga traffic enforcers kasabay ng  pagpapaluwag ng daloy ng  trapiko sa Maynila.

Nabatid na kabilang sa traffic training ang Actual Riding Course, Traffic Accident Respondent Course at Traffic Enforcement at  Direction and Control.

Nagpa-alala din si Moreno na isang  beses lamang ang training at e­xams na  ibibigay sa mga papasok na traffic squad.

Kasabay nito,  ipinakita na rin ni  Moreno ang mga motorsiklo na gagamitin ng mga traffic enforcers na nakapasa sa training at exams. Aniya, mula uniform at gadgets ay ibibigay sa mga enforcers upang  mas maging epektibo ang kanilang   serbisyo.

Sinabi  naman ni MTPB  Director  Carter Don Logica na mas rerespetuhin ng publiko ang mga traffic enforcers kung sapat ang kanilang nalalaman at tamang sistema sa paghuli sa mga lumalabag sa batas.

ACTUAL RIDING COURSE

CARTER DON LOGICA

DIRECTION AND CONTROL

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MORENO

SINABI

TRAFFIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with