^

Metro

2 biktima ng salvage natagpuan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang hubo’t-hubad na bangkay ng lalaki na isinilid sa magkahiwalay na itim na garbage bag ang natagpuan sa lungsod, kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, natagpuan ang mga bangkay ng isang mangangalakal ng basura na malapit sa Flyover ng Aurora Boulevard, Cubao, pasado ala-1 ng madaling-araw.

Ang mga biktima na ginawang parang hayop ay binalutan ng packaging­ tape ang mga kamay. Isinalarawan ang isa sa mga biktima sa taas na 5’6’’, may tattoo sa likod ng BNG (Bahala na Gang), katamtaman ang pangangatawan at kayumangi ang kulay. 

Habang ang isa naman ay may taas na 5’4’’, may kaputian ang balat at nasa pagitan ng edad na 25-30 anyos.

Sa pahayag ng barangay tanod ng Barangay Immaculate Concepcion na si Lucas Casing, isang basurero ang nakakita sa nasabing bangkay at ipinagbigay alam sa kanilang opisina.

Inakala umano ng basurero na kalakal na maaaring pagkakitaan ang laman ng mga garbage bag kung kaya agad niya itong kinalkal, pero nagulat na lang ito nang bangkay ng tao ang nakita niya. 

Sa pagsisiyasat ng Scene Of the Crime Operatives (SOCO) napag-alamang ang mga biktima ay kapwa tadtad ng saksak sa kanilang mga dibdib at may bakas din ng sugat sa leeg na indikasyon ng pananakal ang mga biktima.

Magugunitang, nitong nakalipas na Martes ay isa ring bangkay ng hubo’t hubad na lalaki ang nakita sa Cubao-Banahaw na nakasilid din sa itim na garbage bag at may kahalintulad na uri ng pagpatay.

vuukle comment

AURORA BOULEVARD

BAHALA

BARANGAY IMMACULATE CONCEPCION

CUBAO

CUBAO-BANAHAW

LUCAS CASING

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with