^

Metro

Bomb scare sa Pasay, 5 oras ang itinagal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagtanggol ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang halos limang oras na operasyon ng pulisya upang matanggal ang itim na bag na unang hininalang bomba na itinapon sa bubong ng isang bus sa EDSA-Pasay City, kamakalawa ng gabi. Ito ay makaraang tuligsain ng mga netizens ang mabagal umanong aksyon ng Pasay City Police sa pagtanggal ng naturang bag na lumikha ng matinding pagbubuhol ng daloy ng trapiko nang isara ang bahagi ng EDSA-Extension south-bound lane.

Sinabi ni NCRPO Director, Chief Supt. Marcelo Garbo na sinunod lamang ng mga pulis ang “standard operating procedure (SOP)” sa pangangalaga sa lugar.  Naantala rin umano ang kanilang operasyon dahil sa ang may dala ng kanilang instrumento sa pag-detect ng bomba ay naipit rin sa trapik.

Nabatid na dakong alas-5 ng hapon ng isang hindi nakilalang lalaki ang naghagis ng itim na bag sa bubungan ng Bataan Transit bus (TXV-262) sa may EDSA southbound lane sa kanto ng FB Harrison Street sa Pasay.  Agad namang inabandona ng driver, konduktor at mga pasahero ng bus sa takot na sumabog ito.

Lalo pang lumaki ang hinala na bomba ito nang dalawang beses na umupo ang mga “bomb sniffing dogs” ng Pasay Police-Bomb Disposal Unit.  Upang makumpirma na bomba ito, isang anti-bomb robot ang ipinadala ng NCRPO na kumuha ng “x-ray images” sa bag. Dito nadiskubre na pawang mga wire ngunit walang detonating device at mga basura ang laman ng bag.

Dakong alas-9:45 na ng gabi nang matapos ang operasyon at mabuksan ang EDSA extension.  Humingi naman ng pasensya sa publiko si Pasay Police chief, Sr. Supt. Rodolfo Llorca sa mabagal na operasyon dahil sa tiniyak lamang umano nila ang kaligtasan ng kanilang mga pulis. Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente upang makilala at madakip ang lalaking naghagis ng bag sa naturang bus at mapanagot ito sa kanyang krimen.

BATAAN TRANSIT

CHIEF SUPT

HARRISON STREET

MARCELO GARBO

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY POLICE

PASAY POLICE-BOMB DISPOSAL UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with