^

Metro

Mga batang ina, tutulungan ni Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa mga hinaing sa kanya ng mga batang ina na hindi nakapagtapos ng pag -aaral at walang pinagkakakitaan sa buhay dahil sa murang edad at walang kahandaan sa pamumuhay, nangako si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na tutulungan ang mga ito na magkaroon ng maayos at disenteng buhay sa komunidad nilang ginagalawan.

Sa Oktubre 19 ng taong ito ay pangungunahan ni Belmonte ang isang proyekto sa mga batang ina na may temang ‘Hawak Kamay Tungo sa Magandang Kinabukasan:Isang Pagtitipon ng mga Batang Ina, International day for the Girl Child’ na layuning alamin ang mga pangangailangan ng mga ito at turuan para sa maayos na pamumuhay. Bukod dito ay bibig­yan sila ng sapat na kaalaman sa proper parenting o tamang pag-aalaga ng mga anak.

“Dito malalaman natin, ano ba ang kanilang pangangaila­ngan, kung hindi nakatapos ng pag -aaral dahil nagkaanak ng bata pa ay tutulungan natin sila na mabago ang buhay, maaaring makapag- aral sila ulit  at bibigyan natin sila ng ka­uku­lang training o anumang livelihood programs na maaaring  pakikinabangan ng kanilang pamilya”, pahayag ni Belmonte.

Sa proyektong ito na gagawin sa P.Bernardo Elementary School sa buong araw ng October 19 ay katuwang ang Woman Health Philippines na aayudahan ang panga­ngailangan ng may  mahigit 300 teenage mothers na may edad 19- anyos pababa.

 

BATANG INA

BELMONTE

BERNARDO ELEMENTARY SCHOOL

GIRL CHILD

HAWAK KAMAY TUNGO

ISANG PAGTITIPON

MAGANDANG KINABUKASAN

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with