One strike policy sa illegal gambling 10 PCP commanders, pinasisibak ni Erap
MANILA, Philippines - Pinasisibak na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang 10 police community precinct (PCP) commanders sa lungsod bunsod na rin ng kabiguang masawata ang illegal gambling sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay Estrada, naÂging malinaw ang kanyang panawagan sa pamunuan ng MPD kaugnay sa pagsugpo ng illegal gambling subalit tila binalewala na lamang ito ng mga opisyal.
Lumilitaw sa memorandum na inilabas ni Estrada, agad nitong inutos kay MPD director Chief Superintendent Isagani Genabe Jr. na alisin na sa puwesto ang 10 PCP alinsunod sa ipinatutupad na “one strike and no take policy†kontra ilegal na sugal sa mga opisyal.
Kabilang sa mga ipinaÂalis sa pwesto ay sina Chief Inspector Magno Gallaro ng Don Bosco PCP; InsÂpector Edward Samonte ng Gagalangin PCP; Inspector Rexon Layug ng Delpan PCP; Chief Inspector Jhonny Gaspar ng Asuncion PCP; Senior Inspector Robinson Maranon ng Barbosa PCP; Chief InsÂpector Eugenio Extramadura ng Alvarez PCP; Inspector Ronaldo Santiago ng Blumentritt PCP; Senior Inspector Patrick de Leon ng San Andres PCP; Inspector LeoÂnardo de Guzman ng Zamora PCP at Chief Inspector Louie Guisic ng San Nicolas PCP.
Sinabi ni Estrada na hindi umano siya mangingiming magpasibak ng mga opisyal ng pulis kung patuloy lamang sa pamamayagpag ang iligal na sugal, gayundin ang paÂngongolekta kung saan ang mga mahihirap ang nakokotongan.
Paliwanag ni Estrada nais niyang ibalik ang magiging “Manilas Finest†ng MPD hanggang sa ito ay maging “country’s Finestâ€.
- Latest