Tsinoy tiklo sa 1 kilo ng shabu
MANILA, Philippines - Arestado ang isang Chinese national matapos mahulihan ng may isang kilo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang suspect na si Shaofen Cai, alyas Shofeng ng Rosario Cavite.
Ayon kay Atty. Jacquelin de Guzman, director ng PDEA-NCR, nakuha sa suspect ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5 milyon.
Ang suspect ay isa sa mga naging target ng tanggapan dahil sa impormasyon na isa ito sa mga hayagang nagbebenta ng shabu sa lugar sa malakihang halaga.
Marami umanong sinusuplayan ng shabu ang suspect, dahil kilo-kilo ang naging transaksyon nito sa kanyang mga buyer.
Nadakma ang suspect matapos na makipagÂtransaksyon ito sa isang poseur buyer ng PDEA para sa pagbili ng shabu, ganap na alas-9 ng gabi.
Pero katwiran ng dayuhan, napag-utusan lamang umano siyang ideliber ang plastic bag at hindi niya alam ang laman nito.
Nakapiit ngayon ang suspect sa PDEA head quarters sa lungsod Quezon sa kasong paglabag sa Republic act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest