3 mandurukot pinainan, timbog
MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong kilabot na mandurukot makaraang mahuli sa aktong binibiktima ang isang estudyante sa loob ng isang pampasaherong jeep na ipinain ng pulisya, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Nakilala ang mga naÂdakip na sina Freddie Casbadillo, 30; Perlita Flores, 38 at Janet Villanueva, 42.
Ayon sa pulisya, maÂtagal na umano silang naÂkakatanggap ng mga reklamo buhat sa mga estudyante na biktima ng pandurukot habang sakay ng pampasaherong jeep papasok ng paaralan.
Dahil dito, ikinasa ang isang operasyon kung saan isang estudyante ng Pasay City West High School ang pumayag na maging pain. Sinamahan ng mga tauhan ng Pasay Police ang estudyante na sumakay sa isang pampasaherong jeep kamaÂkalawa sa may FB Harrison Street.
Dito tiyempong nakaÂsakay ng mga awtoridad ang tatlong suspek kung saan isa sa mga ito ang sumabit pa sa estribo, nagpanggap na mga pasaÂhero at hindi magkakakilala. Nang magbayad ng pasahe, ipinakita pa ng pain na estudyante ang laman ng pitaka at sadyang iniÂlawit ito sa kanyang bulsa.
Unti-unting dinukot ng suspek na si Flores ang pitaka saka pumara ngunit dito na sila nakorner ng mga pulis na agad na nagpakilala. Hindi na rin nakatakas ng nakasabit na suspek na natuklasang armado ng ice pick.
Samantala, arestado rin ang tatlong holdaper makaraang mahuli at pagbubugbugin pa ng galit ng taumbayan dahil sa pambibiktima sa isang lalaki sa babaan ng bus sa lungÂsod Quezon, kamakalawa.
Kung hindi sa tulong ng taumbayan, posibleng hindi na nabawi pa ni Mario Esperanza, 30, isang magsasaka mula sa Nueva Ecija, ang kanyang kuwintas na nagkakahalaga ng P10,000.
Ang mga suspect ay kinilalang si Rolando Tanio, 22, Mark Jay Santiago, 19 at John Albert dela Serna, 24, pawang mga walang trabaho at residente sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Ayon sa pulisya, moÂdus operandi ng tatlo na mag-antay ng mabiÂbiktima mula sa mga buÂmababang paÂsahero ng bus sa panulukan ng EDSA at West Avenue, Brgy. Phil-am.
Sinasabing kabababa lamang ni Esperanza sa sinakyang bus sa naturang lugar nang bigla siyang harangin ng mga suspect at tutukan ng patalim saka puwersahang hiningi ang kanyang kuwintas saka nagsitakas, gayunman hiÂnabol ang mga ito ng mga tambay saka pinupog at pinagbubugbog.
- Latest