5 huli sa gun ban sa Maynila
MANILA, Philippines - Alinsunod na rin sa kaÂutusan ni Manila Mayor JoÂseph Estrada hinggil sa pagpapairal ng gun ban, lima katao ang nadakip simula ng ipatupad ito noong SetÂyembre 28.
Batay sa report na isinumite ni Manila Police District-Deputy District Director for Operations Sr. Supt. Joel Coronel kay Estrada, simula Oktubre 1-3, lima katao na ang kanilang naÂaresto bunÂsod sa pagdaÂdala ng baril at patalim haÂbang ipiÂnag babawal sa ilalim ng Commission on Elections (CoÂmelec) Rules.
Kinilala ni Coronel ang mga naaresto na sina Marvin Dizon, 21, nakuha dito ang caliber .22 na Smith and Wesson; Roger Alihaga, 24, .28 Magnum pistol; Bayan Macacua, caliber .45 ReÂmington; Antonio Ulba, na nakumÂpisÂkahan ng mga bala ng .45 caliber at Argin Mariano, na nakuhanan ng patalim na may haba na 11 inches.
Ayon kay Coronel, nagÂlaÂgay na sila ng mga checkpoints sa iba’t ibang lugar sa lungsod bunsod na rin ng pinaiiral na gun ban sa paghahanda sa barangay eleksiyon.
Pinayuhan ni Coronel ang publiko na huwag magdala ng mga baril at anumang uri ng patalim upang hindi maharang lalo pa’t walang kaukulang papeles ang mga ito.
Sinabi naman ni Estrada na mahigpit ang kanyang kautusan hinggil dito upang matiyak na magiging maÂayos ang paghahanda sa baranÂgay eleksiyon lalo na sa araw ng halalan.
Sa katunayan, nais niyang doblehin ang police viÂsibility upang matiyak ang kaligtasan ng mga Manilenyo hindi lamang sa araw ng halalan kundi maging araw-araw upang mabawasan ang kriminalidad sa lungsod.
- Latest