Erap nagbigay ng tulong sa beta-thalassemia patient
MANILA, Philippines - Walang mapagsidlanng kasiyahan ang ina ng isang beta-thalasÂsemia patient matapos na bigyan ng tulong piÂnansiyal ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Hindi matigil ang pagÂtulo ng luha ng ina ni John Ace Landicho, 10 maÂtapos na iabot ni Estrada ang tseke na nagkakahalaga ng P65,000.
Ayon sa ina ni John Ace, gagamitin ang halaga sa pagbili ng dugo para sa kanyang regular na blood transfusion. Ang sakit na beta-thalasseÂmia ay tinatawag ding severe anemia kung saan kinakain ng white blood cell ang red blood cells.
Nabatid na 2-anyos pa lamang si John Ace nang simula itong magkaroon ng nasabing sakit. Namana umano ng bata ang sakit.
Sinabi ng ina ni John Ace, bagama’t wala pang gamot sa sakit ng kanyang anak, malaÂking tulong ang naibigay ni EsÂtrada dahil madudugÂtungan ng matagal ang buhay ni John Ace.
- Latest