^

Metro

Call center agent hinoldap na, binaril pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kritikal ang isang 23-anyos na call center agent makaraang barilin ng isa sa dalawang holdaper na nambiktima dito kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Inoobserbahan ngayon sa Pasay City General Hospital ang biktimang nakilalang si Blando Estabillo, ng Delas Alas St., ng naturang lungsod.  Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng baril sa sikmura.

Sa ulat ng Pasay Police, naglalakad papasok sa trabaho ang biktima sa may Taylo St. dakong alas-9:15 ng gabi nang harangin ng dalawang suspect at tutukan ng baril at holdapin.

Ibinigay naman umano ni Estabillo ang cellular phone nito na nagkakahalaga ng P9,000 subalit bago tumakas ay binaril pa siya ng isa sa mga holdaper ang biktima saka sumakay sa isang tricycle.

Umaasa naman ang pulisya na tuluyang makakarekober si Estabillo upang makapagbigay ng pahayag at pag-asang kakilala o namukhaan nito ang mga salarin.

 

vuukle comment

BLANDO ESTABILLO

DELAS ALAS ST.

ESTABILLO

IBINIGAY

INOOBSERBAHAN

KRITIKAL

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY POLICE

TAYLO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with