^

Metro

Trike driver itinumba habang namamasada

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang lalaki ang pinaslang sa lungsod ng Taguig matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin, kahapon ng madaling-araw.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Mark Anthony Villena, 28-anyos, tricycle driver, at naninirahan sa Brgy. Napindan, ng naturang lungsod.

Sa ulat, namamasada ang biktima dakong alas-3:15 ng ma­daling-araw sa kahabaan ng C6 Road sa may Purok 6 Brgy. Napindan nang pagbabarilin ng mga suspect­.

Ayon sa vendor na si Marcelo Paningbatan, nag-aayos siya ng kanyang paninda sa talipapa sa lugar nang dumaan sa harapan niya ang biktima na duguan at sakay pa ng kanyang tricycle habang humi­hingi ng saklolo.

Nagmagandang-loob naman si Paningbatan at isinugod ang biktima sa pagamutan kung saan nasawi ito dakong alas-4 ng umaga dahil sa tama ng bala buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo.

Sinabi ni Paning­batan sa pulisya na nakapagsalita pa ang biktima habang patungo sila sa pagamutan at sinabing naghatid siya ng pasahero sa Lupang Arienda sa Taytay, Rizal subalit hindi naging malinaw kung sino ang bumaril sa kanya.

 Nabatid na kilala ang Lupang Arienda sa bayan ng Taytay bilang pugad ng mga holdaper at sindikato ng iligal na droga.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigas­yon ang pulisya upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.

 

AYON

BRGY

ISA

LUPANG ARIENDA

MARCELO PANINGBATAN

MARK ANTHONY VILLENA

NAPINDAN

TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL

TAYTAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with