^

Metro

Most wanted sa China, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration- Interpol ang isang Chinese national na  tinaguriang “most wanted fugitive” sa China  matapos itong  tumakas sa kinakaharap nitong kasong multi-milyong pyramid investment scam, illegal gambling racket sa  kanilang bansa.

Si Zhang Fuhui, 26, na­­nu­nuluyan sa unit sa Solex II Bldg., Soler St., Binondo, Maynila ay iprinisinta  nina Atty. Jose Carlitos Licas, BI Acting Intelligence Chief at  BI Spokesperson Maan Pedro matapos maaresto noong Linggo sa kanyang unit sa bisa ng summary deportation order  na inisyu  ng BI Board of Commissioners noong Enero­ 21, 2013 dahil pagiging undesirable alien nito.

Ayon kay Pedro, una nang hiniling ng Chinese Embassy ang pag-aresto at deportasyon kay Zhang kung saan inimpormahan umano ng na­turang bansa ang bureau na may warrant of arrest ang suspect  na inisyu naman ng police authorities ng Huai An City, Jiangsu Province, China.

Batay sa report na tinanggap ni BI-OIC Commissioner Siegfred Mison, Abril 2012  umano nang  masangkot ang suspect  sa  pyrami­ding firm  na tinawag na “Bao Ma” na nag-a-advertise ng kan­yang negosyo at nakapang-engganyo ng kanyang mga kababayan na umabot sa 40,000 biktima  sa pama­magitan ng website.

Si Zhang ay ipapadala sa China sa sandaling ma­tapos ng BI ang kaukulang clearance para sa kanyang deportasyon.

Bukod dito, pinagbawalan na ring makapunta ng Pili­pinas si Zhang dahil  inilagay na ito sa immigration blacklist.

Samantala, maliban kay Zhang ay naaresto rin sina Liu YIng, Huang Zhen Xue at Huang Fei dahil naman  sa kawalan ng travel documents na maiprisinta.

ACTING INTELLIGENCE CHIEF

BAO MA

BOARD OF COMMISSIONERS

BUREAU OF IMMIGRATION

CHINESE EMBASSY

COMMISSIONER SIEGFRED MISON

HUAI AN CITY

SHY

ZHANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with