Special child binigti, ama nag-suicide rin
MANILA, Philippines - Pinatay muna sa paÂmamagitan ng pagbigti ang isang 7-anyos na special child ng kanyang sariling ama bago nagpatiwakal ang huli sa pamamagitan naman ng pag-inom ng lason sa loob ng kanilang bahay sa Sta. Ana, Maynila kamakalawa ng gabi.
May ilang oras na umanong kapwa patay nang madiskubre sa loob ng kanilang silid ang mag-amang sina Nestor DipaÂsupil, 39, walang trabaho at anak nitong si Kimi, residente ng 5th St., Punta, Sta. Ana, Maynila
Sa ulat ni SPO1 JonaÂthan Moreno ng MPD-HoÂmicide Section, dakong alas-9:00 ng gabi nang madiskubreng patay ang mag-ama sa kanilang silid ng kaanak na si SPO1 Alma Dipasupil, 34, hipag ng biktima na nakatalaga sa D-1 ng Manila Police District (MPD).
Huling nakitang buhay ang mag-ama dakong alas-12:30 ng hapon ng Linggo, ilang oras bago matuklasang patay ang mga ito.
Nagtataka umano ang ina ni Nestor kung bakit hindi lumalabas ng silid ang mag-ama kaya humingi ng tulong sa manugang na si SPO1 Dipasupil.
Gumamit na lamang ng duplicate key si SPO1 Dipasupil upang buksan ang studio-type na kuwarto ng mag-ama kung saan tumambad sa kanila ang dalawa na kapwa wala nang buhay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakitaan ng marka sa leeg ng tila binigti si Kimi habang maayos na nakahiga sa ibabaw ng isang upuang kahoy, habang ang ama nito ay nakita ring nakadapa sa sahig may 2 pulgada ang layo mula sa anak.
Nakuha sa loob ng silid ang kulay blue na nylon cord na hinihinalang ginaÂmit sa bata, bote ng liquid Sosa, masking tape at plumber cleaner.
Posibleng ang kemikal na panlinis ng lalabo, ang ininom naman ni Nestor.
Wala pang impormasÂyong hinggil sa motibo ng pagpapakamatay ni Nestor na idinamay pa ang anak.
Ang labi ng mag-ama ay kasalukuyang nakalagak sa St. Rich Funeral Homes na nakatakdang i-awtopsiya.
- Latest