^

Metro

Manila dad, kibit-balikat sa TRO vs bus ban

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagkibit-balikat lamang ni  Manila 3rd District Councilor Let-Let Zarcal ang  paghahain ng  temporary restraining order  ng mga transport group laban sa ipinatutupad na Resolution 48.

Ayon kay Zarcal, inaprubahan ng konseho ng Maynila ang nasabing resolusyon sa ilalim ng  Traffic Management Code.

Ayon kay Zarcal, karapatan ng  mga transport groups na ilahad ang kanilang mga saloobin at  ihain sa korte ang kanilang ipinaglalaban.

Aniya nais lamang nilang ayusin ang  trapiko sa lungsod ng Maynila na matagal ng problema na hindi nareresolba.

Pinabulaanan din ni  Zarcal ang akusasyon na ginamit ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang kanyang posisyon upang maipasa ang  nasabing resolusyon.

Sa katunayan umano ay nagkaroon ng  konsultas­yon hinggil dito kung kaya’t nakapagtataka umano na may sector na umaangal sa kanilang pinaiiral na batas.

Layunin aniya ni Moreno na mahuli ang mga kolorum na bus na mas lalong nagpapatindi ng  pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan.

Matatandaan na pinawawalang bisa ng mga bus operators sa Manila Regional Trial Court (MRTC)ang Resolution 48 na nagbabawal sa pagpasok ng mga bus sa lungsod ng walang terminal.

AYON

DISTRICT COUNCILOR LET-LET ZARCAL

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MAYNILA

TRAFFIC MANAGEMENT CODE

ZARCAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with