Pahinante inasinta sa mata, dedo
MANILA, Philippines - Utas ang isang 34-anyos na pahinante nang barilin ng hindi pa kilalang lalaki habang papasok umano ng trabaho sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Ang biktimang kinilalang si Renato Legarde, residente ng Gate 20, Area II, Parola Compound, Port Area, Maynila ay nagtamo ng bala sa kanang mata sanhi upang agad itong mamatay.
Sa report ni PO3 Jupiter Tajonera ng MPD-Homicide Section, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa eskinita sa harapan ng Gate 20, Area II, Parola Compound, Port Area.
Nabatid na naglalakad umano ang biktima sa maÂkipot na eskinita nang bigla na lamang paputukan ng suspect na agad ding tuÂmakas nang humandusay sa semento ang target.
Kalibre .45 baril ang ginamit umano ng suspect dahil sa narekober na basyo nito sa crime scene.
Iniuugnay ang krimen sa iligal na droga, gayunman paÂtuloy pa rin ang isinasaÂgawang pagsisiyasat ng pulisya.
- Latest