Rollback uli sa presyo ng petrolyo
MANILA, Philippines - Muling nagpatupad ng pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis.
Sa naturang rollback ng Pilipinas Shell at Petron Corporation ay ibinaba nila ang presyo ng diesel sa 50 sentimos sa kada litro at 60 sentimos naman sa presyo ng kerosene na epektibo dakong alas-12:01 ng madaling-araw.
Wala namang ginawang pagbaba sa presyo ng gasolina.
Sumunod ding nag-rollback ang Flying V ng 55 sentimos sa kada litro sa diesel habang 10 sentimos ang bawas sa gasoline.
Magugunitang nagpatupad ng pagbawas sa presyo ng produktong petrolyo noong nakaraang Lunes (Setyembre 23) ng 70 sentimos sa kada litro sa gasolina, 90 sentimos sa diesel at P1 sa kerosene.
Ayon kina Raffy Ledesma, Strategic Communication manager ng Petron Corporation at Ina Soriano ng Pilipinas Shell, na ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw sa halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Inaasahan naman na susunod din ang ilang pang kompanya ng langis na magpapatupad din ng rollback.
- Latest