Kaugnay ng isasagawang eleksyon sa brgy.: Gun ban sinimulan; checkpoints kumalat
MANILA, Philippines - Mahigpit na sinimulan kaÂhapon ng mga tauhan ng PNP ang pagpapatupad sa gun ban kaugnay sa gaganaÂping barangay elections sa darating na Oktubre 28 ng taong ito.
Ayon kay PNP Public Information Office (PNP-PIO) Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, sa unang bugso pa lamang ng gun ban, ilang siÂbilyan na ang naaresto, kabilang dito ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang magsasagawa ng panghoÂholdap sa lugar ng Pasay.
Nakuhanan ang mga ito ng isang hand grenade at .45 cal. na baril.
Dalawang sibilyan na rin ang naaresto sa inilatag na checkpoint ng pulisya sa iba pang bahagi ng bansa.
Isa sa mga naaresto ay si Christian de la Cruz sa checkpoint sa Brgy. Lumang Calsada, Calaca, Batangas nitong Sabado dakong alas-6 ng umaga.
Nasamsam mula sa pag-iingat ni De la Cruz ang isang cal. 45 Armscor na may limang bala.
Bago ito, dakong ala-1:40 ng madaling-araw kahapon ay nahuli naman ang sibilyang si Anthony Aguilar, sa checkpoint sa Brgy. Lawaan, Roxas City, Capiz. NaÂkumpiska mula rito ang isang cal. 38 revolver.
Ang gun ban na nag-umÂpisang ipatupad kahapon ay tatagal hanggang Nobyembre 12 para matiyak na magiging maayos at matiwasay ang halalan hanggang sa maÂiproklama ang mga nagwaging kandidato sa halalang pambarangay.
Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni Sindac ang publiko na tanging ang may mga gun ban exemption lamang mula sa Comelec ang maaaring magdala ng mga armas.
Pinaalala rin nito sa mga pulis na magbabantay sa checkÂpoints na dapat maÂging magalang sa pag-iinsÂpeksyon sa mga dumaraang sasakyan at nakasuot ng uniporme.
Samantala, personal na pinangunahan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. at Commissioner Eliash Yusoph, bilang chairman ng Gun Ban Commission ang pagbabantay sa mga lalabag sa unang araw ng gun ban para sa October 28 barangay elections.
Inikutan ng dalawang opisyal ang mga itinalagang checkpoints na ipinuwesto sa Navotas, Malabon, Caloocan, Pasig, Makati at Pasay, kung saan agad nang may naÂsampolan.
Sinimulan kahapon ng madaling-araw ang checkpoints para sa nasabing gun ban. Kabilang sa nilagyan ng checkpoints ay ang Navotas-Malabon area; Monumento sa Caloocan City; Trinoma, North Avenue sa Quezon City, Pasig-Ortigas area, Kalayaan, Makati, Fort Bonifacio area at Pasay, Parañaque Airport road area.
Nilinaw din ng poll body na ang mga gun ban exempÂtions na inisyu para sa May 13, 2013 National and Local Elections ay kanilang kikilaÂlanin para sa barangay electionsÂ.
Nabatid na ang mga lalabag sa gun ban ay maaaring maparusahan ng pagkabilanggo ng hanggang anim na taon, permanenteng madidiskwalipika sa pag-upo sa anumang public office at pagkakaitan ng karapatang bumoto.
- Latest