Ginang inararo ng bus sa ‘killer highway’
MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang makaraang araruhin ng isang rumaragasang pampaÂsaherong bus sa tinaguriang killer highway sa lungsod Quezon kahapon ng maÂdaling-araw.
Kinilala ni SPO4 Nelson Apostol ng Quezon City Police Traffic Sector 5, ang bikÂtima na si Merly Garanto, 44, ng Water hole A, Brgy. Commonwealth sa lungsod.
Nakilala naman ng awtoÂridad ang driver ng bus na si Jovan Corpuz, 29, ng CalaÂmansian, Caloocan City.
Ayon kay Apostol, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, corner Don Fabian St., ng nasabing barangay ganap na alas-5:10 ng umagaÂ.
Diumano, tinatahak ng Fermina Express bus (UWD-682) na minamaneho ni Corpuz ang kahabaan ng naturang kalye galing ng Fairview at patungong Philcoa, nang pagsapit sa Don Fabian St., biglang nahagip nito ang paÂpatawid na biktima.
Sa lakas ng pagkakaÂbundol, nagtamo ng matinding pinsala sa kanyang katawan ang ginang na agad namang sinaklolohan ng mga residente at itinakbo sa Malvar General Hospital subalit idineklara ding dead-on-arrival.
Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang kinakaharap ngayon ni Corpuz.
- Latest