Mag-live-in partner kinatay sa Maynila
MANILA, Philippines - Karumal-dumal ang sinapit ng mag-live-in partner na negosyante nang matagpuang patay habang nakatali ang mga kamay at paa at nakabalot ng packaging tape ang mga mukha sa kanilang inuupahang kuwarto sa Sampaloc, Maynila.
Nakilala ang mga biktimang sina Donald Victorino, 45, biyudo, tubong-Banangan, Benguet at Jenny Beth Bayeng, 35, ng San Carlos Heights, Baguio City at kapwa naninirahan sa Atty. Ortiz Apartment sa Carola St., Sampaloc, Maynila.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Escarlan ng MPD-Homicide Section, natagpuan ang halos naaagnas nang bangkay ng mga biktima dakong alas-5 kamakalawa ng hapon. Kapwa laslas ang leeg ng mga ito, nakatali ng electrical cord ang kamay at paa at may masking tape sa mga mukha.
Sa pahayag ng Brgy. ex-officer na si Jun Heres, ala-1 ng madaling-araw ng Setyembre 24 nang mapansin niya ang pag-aaway ng isang babae at lalaki kung saan pinagsaÂsampal ng lalaki ang babae. Hindi umano niya pinansin ang pangyayari sa pag-aakalang away mag-asawa lamang ito.
Bago madiskubre ang mga biktima, tumaÂtawag ang ilang mga trabahador sa cellphone ng mga biktima. Lima sa anim na mga trabahador ng mga biktima ay umalis patungong Baguio noong Setyembre 23.
Dahil sa hindi makontak, tinawagan ng mga trabahador ang kaibigan ni Victorino na si Flor Mendoza na agad namang nagtungo sa bahay ng mga nasawi.
Ilang ulit na kinatok ni Mendoza ang pinÂtuan ng mga biktima subalit walang sumaÂsagot kung kaya’t napilitan ang una na gaÂmitin ang duplicate key kung saan pagbukas ng pinto ay nakita niya ang duguang bangkay ni Bayeng.
Nakita ang bangkay ni Bayeng sa kuwarto ng mga trabahador habang sa master’s bedroom naman si Victorino.
Ayon naman kay MPD-Homicide Section chief, Sr. Insp. Steve Casimiro, nagsasagawa pa sila ng imbentaryo sa gamit ng mga biktima bagama’t walang nangyaring forcible entry sa bahay ng mga ito.
Nagsasagawa pa rin ng follow up opeÂration ang mga pulisya upang malaman ang motibo ng pamamaslang at kung sino ang posibleng may gawa ng krimen.
- Latest