^

Metro

Grade 4 pupil nabagsakan ng bintana sa iskul, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matinding kalungkutan ngayon ang nararamdaman ng mga kaanak at kaklase ng isang grade 4 pupil makaraang masawi ito nang mabagsakan at maipit ang leeg ng bintana ng kanyang silid-aralan sa Ususan Elementary School sa Taguig City,  kahapon ng umaga.

Isinugod pa sa Rabe-Cruz Hospital ngunit hindi na rin umabot ng buhay ang 10-taong gulang na si Jennelyn Capati, residente ng  134 NP Cruz Street, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, maagang pumasok sa paaralan dakong alas-5 ng madaling araw si Capati at dumiretso sa kanyang silid-aralan na nasa ikalawang palapag.  Dahil sa sobrang aga, sarado pa ang silid nang dumating ito kaya tinangka umano ng bata na buksan sa pamamagitan ng pagpasok ng ulo at kamay sa nakaawang na bintana at pilit na inaabot ang “door knob”.

Dito minalas na bumagsak ang salaming bintana sa leeg ng biktima. Na­sak­lolohan lamang ang bata nang dumating si G. Teofilo Lascuña, ang adviser sa katabing silid-aralan at saka isinugod sa pagamutan.

Ayon sa mga tauhan ng Public Order and Safety Office (POSO) na nakatalaga sa paaralan, hinarang naman umano nila si Capati sa gate ng paaralan dahil sa sobrang aga pa at wala pang ibang estudyante sa loob.  Ngunit nang maka­lingat sila ay nasalisihan sila ng biktima.

Napag-alaman na si Jennelyn ay nakatira sa bahay ng kanyang tiyahin na isa ring guro sa nasabing paaralan.  Nagsasagawa naman ng masusi pang imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

 

CAPATI

CRUZ STREET

JENNELYN CAPATI

PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE

RABE-CRUZ HOSPITAL

TAGUIG CITY

TEOFILO LASCU

USUSAN ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with