1 pang bus, hinoldap
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Quezon City Police District (QCPD) sa mga mananakay na doblehin ang pag-iingat laban sa mga holdaper na nagpapanggap na mga pasahero dahil sa muling pagsulpot ng mga ito lalo ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan.
Aksyon ito ng pamunuan, matapos na isang pampasaherong bus ang hinoldap ng tatlong armadong kalalakihan at tinangay ang mga gamit at pera ng mga pasahero nito, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni SPO1 Fernando Lozada, ang hinoldap na bus ay ang AC transit bus (TWK-348) na minamaneho ni Armando Fabros, 54, sa may kahabaan ng EDSA southbound malapit sa panulukan ng Roosevelt Ave., harap ng Lemon Square Garden, Brgy. Katipunan, ganap na alas-8 ng gabi.
Diumano, tatlong kalalakihan na nagkunwaring mga pasahero ang sumakay at pagsapit sa nasabing lugar ay saka nagdeklara ng holdap.
Nang makuha ang pakay na pera at gamit sa mga pasahero, maging sa driver at konduktor nito ay saka nagsipagbabaan ang mga suspect patungo sa kabilang kalye ng EDSA hanggang sa tuluyang makatakas.
Ayon kay Supt. Pedro Sanchez, hepe ng Masambong Police Station, sa gaÂnitong buwan o pagpasok ng “ber month†nagiging madalas ang holdapan, dahil batid ng mga ito na mas malaki ang kanilang makukuha sa mga biktima, at makapag-ipon ng maaga para may gamitin pagsapit ng Pasko at Bagong Taon.
- Latest