COA building niratrat
MANILA, Philippines - Pinaulanan ng bala ang tanggapan ng Commission on Audit (COA) kung saan nasira ang bintana ng opisina ng isa sa mga diÂrector nito sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.
Ayon kay Quezon City Police District Director Richard Albano, alas-6:20 ng umaga nang mangyari ang insidente sa tanggapan ng COA main office na mataÂtagpuan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, sa lungsod.
Sabi ni Albano, sa inisÂyal na impormasyon ay isa lamang insidente ng pamamato ang naganap, subalit nang imbestigahan ng kanilang tanggapan ay may natagpuang dalawang slugs, na indikasyon na ito ay pinaputukan.
Partikular na tumama ang bala sa bintana na nasa ikalawang palapag sa opisina ni COA assistant director IV Nilda Plaras, kung saan narekober ang mga slugs ng hindi mabatid na kalibre ng baril.
Sabi ni Albano, sa inisÂyal na pagsisiyasat, maÂaaring hindi ang COA ang target ng pamamaril dahil lumilitaw na galing ang pagÂpapaputok sa kalapit na gusali nito at nagmintis lamang kung kaya umabot sa kanilang tanggapan.
Gayunman, masusing susuriin umano ng tropa ang closed-circuit television (CCTV) camera footages malapit sa nasabing gusali upang matukoy ang tunay na ugat nito.
May mga testigo na rin umano silang makakaÂtulong sa gagawin nilang pagsisiyasat.
Samantala, sa pinalabas na statement ni COA chief Grace Pulido Tan, sinabi nitong ipinapaubaya na nila ang kaso sa pamunuan ng pulisya para matukoy ang sanhi nito. Hindi rin anya sila magbibigay ng anumang konklusyon upang hindi masira ang gagawing pagsisiyasat ng awtoridad.
Gayunman,hindi rin umano sila papayagang patahimikin o pigilan sila mula sa pagtupad sa kanilang konstitusyunal na tungkulin.
Samantala, iniutos ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibigay ng karagdagang seguridad kay COA chairman Grace Pulido-Tan matapos ang naturang insidente.
Sinabi ni Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang, iniutos ni Pangulong Aquino ang dagdag na security personnel para kay COA chair Tan para matiyak ang seguridad nito at kanyang kaligtasan.
Tiniyak naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na hindi matatakot si COA chief Tan sa nangyari kahit tumatanggap ito ng mga banta sa kanyang buhay matapos nilang ilantad ang COA special audit report ukol sa pork barrel scam na kinasasangkutan ng ilang mambabatas at mga opisyal ng gobyerno.
- Latest