^

Metro

P1-M nalimas sa doktor

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natangayan ng mahigit sa isang milyong halaga ng cash at mga gamit ang isang doktor sa loob ng kanyang condominium unit sa lungsod Quezon.

Ayon sa biktimang si Dr. Elice Ventura, 30, may isang milyong halaga ng alahas, P200,000 cash; passport; bank passbook; at transcript of records at clearances ang nawala sa kanyang  one-bedroom unit sa  Orchard Tower 3 sa Brgy. Bagumbayan sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni  PO2 George Caculba, sinabi nitong wala naman silang nakitang senyales na pinasok ng kawatan ang condominium nito dahil wala man lamang nasira sa pintuan ng kanyang condo at kahit saang entry point ng kanyang tirahan.

Ani Caculba, maaaring ang kanyang mga kasama sa condo ang maaaring kumuha ng kanyang mga gamit at pera.

Sinabi ni Ventura na noong nagdaang Sabado niya nalaman na nawawala ang P200,000 cash na nasa loob ng kanyang cabinet at kinabukasan nito, araw ng Linggo ay kinausap niya ang kanyang mga kasama sa condo at sinabi sa mga ito na nawawala ang kanyang pera.

Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang insidente.

 

ANI CACULBA

AYON

BAGUMBAYAN

BRGY

DR. ELICE VENTURA

GEORGE CACULBA

KANYANG

LINGGO

NATANGAYAN

ORCHARD TOWER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with