Babaeng ‘tulak’, huli sa P.5-M shabu
MANILA, Philippines - Natimbog ng anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang babaeng ‘tulak’ ng shabu sa isinagawang operasyon sa Taguig.
Nakumpiska ng PDEA operatives mula sa suspek na nakilalang si Jaymeline Modrigo, alyas Nors, 34, ng San Guillermo St., Purok 6, Bayanan, Muntinlupa City ang may P.5 milyon halaga ng shabu.
Si Modrigo ay nahuli habang nagbebenta ng may 100 gramo ng shabu na nakasilid sa dalawang plastic sachet at nagkakahalaga umano ng may kalahating milyong piso sa isang poseur-buyer sa kahabaan ng Levi B. Mariano Avenue kanto ng General Luna Street, Brgy. Ususan, Taguig City,
Dahil dito, si Modrigo ay kinasuhan ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest