Kawatan itinumba ng vigilantes
MANILA, Philippines - “Akyat bahay ako, huwag pamarisan vigilante.â€
Ito ang mga nakasulat na kataga sa kapiÂrasong karton na nakuha sa isa na namang biktima ng summary execution na natagpuan sa isang madilim na kalye ng Cubao, lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.
Kasama rin sa naturang sulat ang siyam na mga pangalang isusunod umano ng grupo ng mga vigilante na kanilang liÂÂlikidahin, ayon sa ulat ng pulisya.
Samantala, ang biktima na tinatayang nasa pagitan ng edad 25-30, may taas na 5’1’’ at nakasuot ng maong na pantalon ay nababalutan ng plastic tape ang mukha, tadtad ng saksak sa buong katawan at may bakas ng pananakal sa leeg.
Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, posibleng miyembro ng “Batang City Jail†ang biktima dahil sa nakitang tattoo sa may itaas na bahagi ng kanyang tagiliran, kasama ng mga tattoo sa kanyang buong katawan.
Dagdag ni Hernandez, ang bangkay ay nadiskubre ng mga kabataang naglalakad sa may Diokno St., malapit sa 17th Avenue, Brgy. San Roque, Cubao, ganap na alas-2 ng madaling-araw.
Agad na ipinagbigay-alam nila ang inÂsidente sa barangay na siya namang nagpabatid sa pulisya.
- Latest