Parak tugis sa holdap
MANILA, Philippines - Isang pulis ang pinaghahanap ngayon ng kanyang mga kabaro matapos itong masangkot sa serye ng pangÂhoÂholdap sa mga turista, kaÂmalawa ng gabi saPasay City.
Kinilala ni Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Station InÂÂvestigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay Police ang pulis na si PO3 Eduardo Cayabyab, dating nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng National Capital Region Police Office (RPHAU-NCRPO).
Positibong kinilala si CaÂyabyab ng pinakahuli niyang biktima na Korean national na si Chung Deok Young, 55, at pansamantalang nanunuluyan sa Inwangsan Hotel, Makati City.
Batay sa salaysay ng biktimang dayuhan, sumakay siya sa taxi na may plakang UVR-747 mula sa departure area ng NAIA Terminal 1 dakong alas-10:50 ng gabi at magpaÂpahatid sana sa Makati City nang biglang sumakay din ang dalawa pang lalaki na kapwa armado ng baril at kabilang dito ang suspek na si Cayabyab.
Tinangay umano ng mga suspek ang kanyang dalang P20,000 cash, 30-pirasong travellers check na nagkakahalaga ng $15,500, 80,000 Won at iba’t ibang uri ng alahas na may kabuuang halagang $5,300 bago ibiÂnaba siya sa harap ng isang tindahan sa F.B. Harrison, Pasay.
Nang makahingi ng tulong ang biktima, dinala siya sa himpilan ng pulisya at doon na niya nakilala si CayabÂyab nang ipakita ang mga larawan ng mga suspek na nahuli na ng pulisya sa kasong panghoholdap.
Napag-alaman na naÂsangkot na si Cayabyab sa panghoholdap sa isang turistang Hapon noong Pebrero sa Pasay City at naulit muli ang pagkakasangkot niya sa panghoholdap sa mga turista sa Ermita, Manila noong Mayo 6 at Agosto 5, 2013.
Naaresto na ng pulisya si Cayabyab noong Hulyo 10 at sinampahan ng kasong illegal possession of firearm subalit nakalaya ito sa bisa ng piyansa.
- Latest