Rapist killer ng 12-anyos, kinasuhan
MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong murder at rape ang isang construction worker matapos nitong gahasain at patayin ang isang 12-anyos na nene noong Biyernes ng madaling-araw sa Muntinlupa City.
Nakakulong ngayon sa Muntinlupa City Police detention cell ang suspek na si Reynante Odono, 26, tubong-Sorsogon ng Brgy. Alabang matapos itong ituro nang lumutang na testigo na sangkot sa panghahalay at pagpaslang sa biktimang si Stephanie Cristel, ng Molina St., ng naturang barangay.
Ayon sa report ng Muntinlupa City Police, dakong alas-3:30 ng madaling-araw noong Biyernes nang maÂtagpuan ang bangkay ng batang babae sa ikalawang paÂlapag ng isang ginawang gusali malapit lamang sa tinitirhan ng biktima ng kanyang tatay na si Ronald Elba habang hinahanap ito.
Lumabas sa imbestigasÂyon ng pulisya na pwersahang pinasok ng suspek na umano’y lango sa droga ang biktima sa unang palapag ng kanilang tirahan dakong alas-3:00 ng madaling-araw habang natutulog sa ikalawang palapag ng bahay ang kanyang mga magulang.
Binuhat ng suspek ang dalagita patungo sa ginagawang gusali at doon isinagawa ang panghahalay.
Nang manlaban umano ang biktima, sinakal siya ng suspect hanggang sa mapatay.
Napag-alaman sa imbestigasyon ng mga tauhan ni Chief Insp. Romanita Bulaon ng Women and Children’s Protection Desk ng Muntinlupa City Police na narinig pa ng tiyahin ng biktima na si Alma Elba ang pagsigaw ng pamangkin kaya’t ginising niya ang ama ng bata upang hanapin ang biktima.
Natagpuan naman ni Ronald ang anak na gula-gulaÂnit na ang damit at wala nang malay kaya’t mabilis nilang isinugod sa Alabang Medical Center ang bata subalit idineklarang dead on arrival ito.
Sa ginawang follow-up operation ng pulisya, kaÂagad na nadakip ang suspek matapos lumutang ang isang testigo na nakakita kay Odono habang karga ang bata na una niyang inakala na bagahe.
- Latest