^

Metro

Fetus iniwan sa simbahan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang limang buwang fetus na lalaki na may sulat na naka-address sa ‘Diyos na lumikha’ ang natagpuan sa loob ng isang simbahan sa lungsod Quezon, kama­kalawa ng gabi.

Ayon kay PO3 Erickson Isidro, ang fetus ay natagpuan sa loob ng isang pribadong dasalan sa Blessed Sacrament of St. Joseph Shrine na matatagpuan sa Aurora Blvd., malapit sa pa­nulukan ng Anonas St., Brgy. 3-A Project 3, ganap na alas- 8:30 ng gabi.

Sabi ni Isidro, ang lalaking fetus na nasa limang buwan ay nasa loob ng kahon ng cherry mobile cellular phone na puno rin ng bulak.

Natagpuan anya ito ng parishioner na si Evangeline Tuprio na nagsabing nasa loob siya ng naturang chapel nang makita niya ang naturang kahon na nakalapag sa lugar. Nang damputin niya ang kahon ay napuna nito ang sulat, pero hindi niya tinignan ang laman sa halip ay ibinigay niya agad  ito sa administrador ng simbahan.

Sabi pa ni Isidro, ang sulat ay naka-address kay “Dear Father” pero hindi sinabi kung sino ang nagsulat nito.

Ang tao umanong nagsulat nito ay humihingi ng patawad sa kanyang ginawa sa fetus na tinawag niyang “Baby John” base sa sulat.

Nakasulat sa note na wala umano siyang pera para isi­lang ang bata, gayundin kapag inilibing ito.

 

A PROJECT

ANONAS ST.

AURORA BLVD

BABY JOHN

BLESSED SACRAMENT OF ST. JOSEPH SHRINE

DEAR FATHER

ERICKSON ISIDRO

EVANGELINE TUPRIO

ISIDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with