^

Metro

Sinigurong patay: Binatilyo 2 ulit sinagasaan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang masiguradong patay, dalawang ulit na sinagasaan ng hindi pa nakikilalang driver ang binatilyo na kanyang  unang nasagasaan sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Joel Realista, ng Earnshaw St., Sampaloc, Manila habang nagsasagawa naman ng follow-up operation ang  pulisya upang matukoy ang  pagkakakilanlan sa driver ng sasakyan na may plakang WMM 990 na tumakas ma­tapos ang insidente.

Sa report ni SPO1 Bert Francisco ng Manila Vehicle  Traffic Investigation Section, dakong alas-2:25 ng ma­daling-araw nang naganap ang insidente sa Earnshaw St. malapit sa kanto ng Ga­licia St., Sampaloc, Manila.

Ayon sa saksing si Christopher Fernandez,  napansin niya na binabagtas ng na­sabing sasakyan ang Earnshaw St., sa direksyon patungong norte  nang pagsapit malapit sa kanto ng Galicia  ay aksidenteng nasagasaan nito ang biktima na naglalakad sa nasabing lugar.

Dahil sa lakas ng pagka­kabangga, tumilapon  ang biktima ng ilang metro sa harapan ng sasakyan saka bumagsak ang katawan nito sa semento.

Bahagyang tumigil ang driver ng sasakyan subalit imbes na tulungan ang biktima ay muli nitong pinaandar ang kanyang sasakyan at muling sinagasaan ang binatilyo saka mabilis na pinaharurot papalayo ang kanyang sasakyan.

Isa namang kagawad ng Philippine National Red Cross (PNRC) na nakilalang si Ram Gapong ang su­maklolo sa biktima at isinugod sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival ang huli.

Ang katawan ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa Grace Memorial Services­ para sa safekeeping at awtopsi­ya.

vuukle comment

BERT FRANCISCO

CHRISTOPHER FERNANDEZ

EARNSHAW ST.

GRACE MEMORIAL SERVICES

JOEL REALISTA

MANILA VEHICLE

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with