^

Metro

QCPD nagbabala vs bagong carjacking group

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling pinag-iingat ng Quezon City Police District (QCPD) ang publiko, partikular sa mga may-ari ng bagong sasakyan laban sa mga sindikato ng carjacker na maaaring mambiktima, kasunod ang pagkakaarestong muli sa anak ng lider ng grupong “Mac Lester Carjacking group” sa lungsod.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Richard Albano, posibleng kumikilos na ang grupo at muling umatake, upang matugunan ang pangangailangan ng isa sa itinuturing nilang lider na si Mark Joseph Reyes, 19, na kanilang nadakip nitong Sept. 5, 2013.

Sinabi ni  Albano na may posibilidad na makapagpiyansang muli si Mark Joseph at muling gumawa ng iligal na aktibidad sa pamamagitan ng bagong modus operandi kung saan magpapanggap na bibili ng sasakyan sa isang buy and sell agent.

Nabatid kay Albano na 16-anyos nang unang maaresto si Mark Joseph kasama ang ama nito na si Mac Lester, at nanay na si Jasmin Lescano-Reyes, 33, dahil sa pagdadala ng una ng baril at pagtangay sa isang itim na Toyota Fortuner (NOG-594) na pag-aari ni Alfredo Villasanta bise-presidente ng Social Security Service noong August 11.

 

vuukle comment

ALBANO

ALFREDO VILLASANTA

DIRECTOR CHIEF SUPT

JASMIN LESCANO-REYES

MAC LESTER

MAC LESTER CARJACKING

MARK JOSEPH

MARK JOSEPH REYES

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICHARD ALBANO

SOCIAL SECURITY SERVICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with