^

Metro

NBI magsisiyasat na rin sa pagpatay sa advertising exec

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakikipagtulungan na rin ang National Bureau of Investigation  (NBI)  sa pagresolba sa kaso ng pamamaslang sa 25-anyos na senior account manager at marketing officer na si Kristelle “Kae” Davantes, na natagpuang patay sa bahagi ng Silang, Cavite noong Sabado ng umaga.

Nananatiling blangko pa ang mga awtoridad sa motibo at sa kung sino ang respon­sable sa krimen.

Dakong alas-6:00 nang umaga nang madiskubre ang bangkay ni Davantes na tadtad ng saksak, nakatali ang mga kamay, may busal na panyo sa bibig, may marka ng sakal sa Brgy. Sabutan, Silang, Cavite.

Hindi rin umano ginahasa ang biktima, subalit nawawala naman ang minamaneho nitong Toyota Altis (PIM-966) na kulay gold.

Nabatid na si Davantes ay senior account manager ng McCann Worldgroup Philippines MRM at marketing officer ng European Chamber of Commerce of the Philippines.

 

vuukle comment

BRGY

CAVITE

DAKONG

DAVANTES

EUROPEAN CHAMBER OF COMMERCE OF THE PHILIPPINES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SILANG

TOYOTA ALTIS

WORLDGROUP PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with