Pintor inutas
MANILA, Philippines - Patay ang isang pintor nang barilin ng hindi nakilalang suspect habang papasakay sa kanyang bisikleta upang manood sa sinalihang “quiz bee†ng kanyang anak sa Quiapo, Maynila kamaÂkalawa ng hapon.
Dead-on-the-spot si Harry Wisely, 72, ng 24 Oscariz St., Basan, Quiapo.
Inilarawan naman ang suspect na may taas na 5’8’’-5’9’’, nakasuot ng kulay pink na t-shirt at maong na pantalon na tumakas maÂtapos ang insidente.
Sa report ni Det. Jay Santos ng Manila Police District (MPD)-Homicide section, dakong ala-1:25 ng hapon nang naganap ang insidente sa Basan St., Quiapo, Maynila.
Ayon sa asawa ng biktima na si Marjorie, papunta sana sa paaralan ng kanyang anak ang biktima para panoorin ang sinalihan nitong quiz bee nang lapitan siya ng suspect at walang sabi-sabing binaril ito na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
Wala namang alam si Marjorie kung ano ang motibo sa pagpatay sa kanyang asawa. Patuloy ang isinasaÂgawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa pagpatay.
- Latest