^

Metro

Kelot isinilid sa sako

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa Taguig City kahapon ng madaling araw na binalot sa plastic at isinilid sa sako.

Sa ulat ng Taguig City Police, dakong alas-5 ng umaga nang tumambad sa mga miyembro ng barangay security force ang bangkay ng la­laking tinatayang nasa pagitan ng edad na 35 hanggang 40 taong gulang, nakasuot ng kulay brown na t-shirt at brown na short pants sa gilid ng C-5 Road Brgy. Napindan.

Sa imbestigasyon  ng Taguig police, may pala­tandaan na binigti muna ang biktima bago pinagbabaril.

Ayon sa security guard na si Arnold Guda, dakong alas- 2:30 ng madaling-araw nang mapuna niya ang pabalik-balik na isang puting kotse sa C-5 Road at nang bumalik na siya sa puwesto ay nakarinig siya ng putok na inakala niyang­ fireworks.

May hinala ang pulisya na patay na ang biktima nang dalhin sa lugar at tiniyak lamang na hindi na mabubuhay nang muling pagbabarilin.

Pansamantala namang inilagak sa Loreto Funeral Homes ang bangkay upang doon isagawa ang otopsiya.

ARNOLD GUDA

AYON

ISANG

LORETO FUNERAL HOMES

NAPINDAN

PANSAMANTALA

ROAD BRGY

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with