^

Metro

Misis ng assassin, umapela kay Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela ng tulong kay Manila Mayor Joseph Estrada ang isang misis ng umano’y assassin na pinatay noong nakaraang buwan sa Antipolo City.

Sa pahayag ni Dorina Laboro, 40, ng Pandacan, Maynila, pinatay ang kanyang asawang si  Rolando, 41,  dahil sa pagnanais nitong  umatras sa ipinapagawa sa kanya na pagpatay sana kay Mayor Casimiro “Jun” Ynares III.

Ayon kay Dorina, Agosto 26, dakong alas- 4:30 ng hapon nang tawagan  umano ng isang  Freddie na opisyal sa Antipolo City Hall ang kanyang asawa upang ipatumba si Ynares.

Inamin  ni Dorina na unang tinanggap ng kanyang asawa ang trabaho dahil sa alok na P1 milyon para na rin sa kanyang  pagpapa-opera sa mata.

Subalit nagdalawang-isip ang kanyang asawa hanggang sa magdesisyon itong huwag nang isagawa ang balak na pagpatay. 

Bandang alas-6 ng gabi nang tawagan niya ang  cellphone ni Rolando ngunit hawak na ito ng pulisya at sinabing napatay ang kanyang asawa. Aniya, posible umanong natakot si  Freddie na ‘ikanta’ ni  Rolando kung kaya’t ipinapatay ang kanyang mister.

Ang lahat ng  ginagawa ng kanyang asawa ay hindi  lihim sa kanya. Nagtataka lamang si Dorina,  kung bakit nakita sa crime scene ang helmet na pagma­may-ari ng isang nag­ngangalang ‘Jan-Jan’ na dapat ay kasama ng kanyang asawa na magtutumba kay Ynares. 

Dito  na nagpasyang  humingi ng tulong si Dorina kay  Manila Councilor Joel Par  na nakakasakop sa kanyang tirahan sa Pandacan.

Tiniyak naman ni Estrada na lahat ng  tulong ay ibibigay kay Dorina partikular ang pagbibigay ng scholarship sa anak nito na  3rd year high school. Pansamantala ring ililipat ng  tirahan ang mag-ina para na rin sa kanilang seguridad.

Nabatid pa kay Estrada na nagulat din si Ynares nang kanyang  ipaalam ang planong assassination sa kanya (Ynares).

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY HALL

DORINA

DORINA LABORO

FREDDIE

KANYANG

KAY

YNARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with