^

Metro

Presyo ng petrolyo, muling tumaas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nagtaas ng presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na muling pinangunahan ng Big 3 oil companies.

Sabay-sabay na nagtaas ng kanilang presyo dakong alas-6 kahapon ng umaga ang Pilipinas Shell, Chevron Philippines at Petron Corporation.

Magkakaparehong presyo ang itinaas ng mga kompanya ng langis.

Nasa P.30 kada litro ang itinaas sa presyo ng premium at unleaded gasoline, habang P.30 kada litro naman sa kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Agad namang sumunod sa naturang paggalaw ng presyo ang Total Philippines, PTT, UniOil at Eastern Petroleum habang ina­asahang susunod ang iba pang independent players sa bansa.

Patuloy na ikinakatwiran ng mga kompanya ng langis ang pagsirit sa presyo ng ina­angkat nilang produkto na pamahal nang pamahal dahil sa nagaganap na kaguluhan sa Syria at palitan ng piso sa dolyar.

CHEVRON PHILIPPINES

EASTERN PETROLEUM

MAGKAKAPAREHONG

NASA P

PATULOY

PETRON CORPORATION

PILIPINAS SHELL

PRESYO

TOTAL PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with