^

Metro

QC, sasailalim sa total transformation

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Higit na magiging ma­ganda at attractive sa publiko ang lungsod Quezon sa mga susunod na araw.

 Ito ay ayon kay QC Mayor­ Herbert Bautista ay bunga ng isasagawang total transformation sa lungsod laluna sa mga kalsada dito.

“Gusto kong magkaroon ng total transformation ang ating lungsod at mga kal­sada nito upang mas maging maganda at attractive. Dapat na may uniform design ang mga street corner sa lahat ng barangay,” pahayag ni Bautista.

Sa ilalim ng proyektong ito, sinabi ni Bautista,  100 percent ang gagawing pagbabago sa 142 barangay partikulat na ang mga lan­sangan, signage, tawiran, sidewalk, parking, house numbering at waiting shed  na higit na papaki­nabangan ng publiko.

Kaugnay nito, inatasan ni  Bautista si Barangay Ope­rations Center (BOC) chief Jorge Felipe na magsumite ng mga plano at programa para sa total transformation sa lunsod.

Ayon kay Bautista, upang mapakinabangan nang husto ng mga residente, ka­ilangang ayusin din ang mga waiting shed sa lungsod na mayroong stand para sa mga tindero at mapa na magtuturo sa publiko ng tamang lokasyon.

Sinabi rin ni Bautista na kailangan din ng pagbabago sa mga center island o sidewalk sa mga pangunahing lansangan, katulad ng Tomas Morato Avenue at magkaroon ng mga linear garden bilang suporta sa hangarin ng lokal na pamahalaan na pangalagaan ang ka­paligiran. (Angie dela Cruz)

 

vuukle comment

ANGIE

BARANGAY OPE

BAUTISTA

HERBERT BAUTISTA

JORGE FELIPE

SHY

TOMAS MORATO AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with