^

Metro

Police asset, itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinihinalang mga miyembro ng sindikato ng iligal na droga ang bumaril at nakapaslang sa isang 53-anyos na lalaki police asset, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang biktimang nakilalang si Sydney Binas, ng Calatagan St., Makati City.  Nagtamo ito ng tama ng bala sa likod at kaliwang braso.

Pinaghananap naman ngayon ng pulisya ang mga itinuturong suspek na sina  Reynaldo Arviso, 27, alyas “Junjun Bisugo” at isang alyas Bong.

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-9:50 ng gabi nang maispatan ni Binas si Arviso sa may IPI Buendia Tower sa Gil Puyat Avenue, ng naturang lungsod.  Sinabi ng saksing si Michael Roxas, 43, na katatapos lamang nila ni Binas na maglaro ng Bingo sa Extreme Bingo Club sa naturang gusali.

Sinabi nito na ibinulong sa kanya ni Binas na kilalang tulak ng iligal na droga si Arviso na kanilang sinundan hanggang sa sumakay ito ng kotse kasama ang isang lalaki at babae.  Makaraan ang ilang saglit, sumulpot ang isang lalaki at pinagbabaril si Binas na nagawa pang makapasok sa loob ng gusali.  Tinutukan din umano siya ng baril ng gunman bago sumakay sa kotse na minamaneho na ni Arviso at mabilis na tumakas.

Bago pa maisugod ni Roxas sa pagamutan ang kaibigan, sinabi umano sa kanya ni Binas na kilala niya sa alyas na “Bong” na residente ng M. Dela Cruz St., Pasay, ang bumaril sa kanya na kasamahan ni Arviso sa pagbebenta ng ilegal na droga. Nagsagawa naman ng operasyon ang pulisya at sinalakay ang bahay ni Arviso sa 346 Magtibay St. subalit hindi ito natagpuan.

 

ARVISO

BINAS

BUENDIA TOWER

CALATAGAN ST.

DELA CRUZ ST.

EXTREME BINGO CLUB

GIL PUYAT AVENUE

JUNJUN BISUGO

MAGTIBAY ST.

MAKATI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with