Maynila, madalas ngayon ang pagbaha
MANILA, Philippines - Muli na namang nalubog sa malalim na baha ang ilang bahagi ng Maynila sa kabila ng hindi kalakasan at sandaling ulan lamang kahapon ng hapon.
Libong mga pasahero ang na-stranded matapos na maraming mga pampublikong sasakyan ang hindi makapasok sa lungsod dahil sa mataas na tubig-baha.
Ang mga sasakyang galing sa lungsod Quezon ay nakadaan pa sa España, pero pagdating sa Quiapo, dito kapansin-pansin ang mataas na tubig sa gilid na iniiwasan ng mga sasakyan kung kaya’t halos daÂlawang lane lamang ang nadadaanan.
Pagbaba ng Quezon bridge ay muÂling napansin ang mataas at mahabang tubig-baha. Magkabilang ruta sa tapat ng Manila City Hall ay kapansin-pansin din ang mataas na pagbaha na namalas din sa maraming bahagi sa Port Area.
Napansin ng marami ang hindi paggana ng mga drainage sa nasabing mga lugar, dahil nga sa kaunting ulan ay bigla-bigla itong binabaha sa kabila na wala namang bagyo o matinding ulan dala ng habagat
- Latest