Nilayuan ng barkada, binata nagbigti
MANILA, Philippines - Winakasan ng isang binata ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos na hindi umano makayaÂnan ang pag-iisa nang layuan ng mga kabarkada, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.
Nakilala ang nasawi na si Manolito Ybanez, 18, resi dente ng Dallas St., Phase 3, TS Cruz Subdivision, Brgy. Almanza Dos, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Las Piñas City Police, dakong alas-6:30 ng umaga nang madiskubre ng ina ng biktima na si Helen Grace, 41, ang bangkay ng anak na nakabigti sa loob ng banyo ng kanilang bahay.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Credo ng Station In vestigation and Detective MaÂnagement Section, nagsiÂmulang makitaan ng pagkabalisa ang biktima noon pang nakaraang buwan ng Hulyo matapos na ituro nito ang isa sa barkada na suspek sa pagnanakaw na naging dahilan sa pagkakulong nito.
Dahil dito, nilayuan na siya ng mga kabarkada at hindi na pinasama sa binuo nilang grupong “Palengke Boysâ€. Labis na dinamdam umano ito ng biktima na una na ring nagtangkang magpatiwakal noong Hulyo ngunit naaga pan ng ina.
- Latest