^

Metro

Carnap prince, timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling naaresto ng awto­ridad si Mark Joseph Reyes Jr., matapos na maispatang dala ang isang carnap na sasak­yan sa lungsod Quezon.

Si Mark Joseph Jr., ay ma­tatandaang 16-anyos nang unang madakip ng mga awtoridad matapos na siya at ang kanyang tatay ang leader ng notorious na carnap group na si Mark Joseph Reyes Sr., ay tumangay ng isang kulay itim na Toyota Fortuner ng Vice president ng Social Security System (SSS) na si Alfredo Villasanta sa Quezon City, noong 2011.

Ngayong 19-anyos na si Mark Joseph, ay ipinagpatuloy nito ang kanilang tinatawag na ‘family business’ kung saan siya nadakip kamakalawa ng gabi sa lungsod.

Ayon kay Superintendent Osmundo de Guzman, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 1, ang batang Reyes ay nadakip ga­nap na alas-7:45 ng gabi sa panulukan ng Cuenco at Banawe Sts.

Sabi ni De Guzman, narekober sa kanya ng kanilang tropa ang nakaw na puting Honda Civic na pag-aari ng isang Gatsby Fay Balanay, 27, residente ng Vicente Cruz St., Sampaloc, Manila.

Dagdag ng opisyal, ang chasis number at engine num­­ber ng sasakyan na may plakang WCG-898 ay nakumpirmang sa pag-aari ni Ba­lanay.

Gayunman, pinalitan ni Mark Joseph Jr. ang plaka ng numerong WRK-718 nang kanya itong imaneho patu­ngo sa isang auto shop para ipakumpuni.

Simula noong 16-anyos si Mark Joseph Jr. ay nakilala na ito sa ilang insidente ng carjacking.

Kabilang pa sa mga ito kung saan sina Mark Jo­seph Jr. at isang Christopher Ducot­ ang tinukoy sa rogues gallery na kahalintulad na suspect na nagkunwaring ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at puwersa­hang tumangay sa isang puting­ Ford Escape ng Roey Frilles sa Cubao, Quezon City noong May 30.

vuukle comment

ALFREDO VILLASANTA

BANAWE STS

CHRISTOPHER DUCOT

DE GUZMAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FORD ESCAPE

MARK JOSEPH JR.

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with