Hindi napautang, nang-hostage
MANILA, Philippines - Kulungan ngayon ang bagsak ng isang security guard matapos na maaresto dahil sa tangkang pangho-hostage sa kanyang kumpare at asawa nito makaraang hindi siya paÂutangin ng P2 libo ng kumpare sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Nahaharap sa patung-patong na kaso si Benjamin “Ben†dela Cruz, 58.
Ayon sa ulat, tinangkang i-hostage ng suspect ang mga biktimang sina Francisco Cadaing, 55 at asawang si Josefina, 53, at anak nilang si Francis, 14; at isang Janette Manalo, 35.
Bukod umano sa tangkang pangho-hostage ay tinangka pang halayin ng suspect ang ginang pero masuwerte na lamang at nakatakas ito.
Sa imbestigasyon ng puÂlisya, nangyari ang insiÂdente sa loob ng bahay ng pamilya Cadaing sa Apahap St., CaÂdaing Village, Brgy. Talipapa, sa lungsod ganap na alas- 6:40 ng gabi.
Nabatid na ang suspect ay kumpare umano ni Francisco at madalang na bumisita sa kanyang bahay dahil sa Brgy. Commonwealth ito nakatira.
Nasorpresa umano si Francisco nang dumating ang suspect sa kanyang bahay, pero umuutang naman ito ng halagang P2,000. Dahil walang sapat na pera, hindi napagbigyan ni Francisco ang suspect.
Dito na naburyong ang suspect at biglang naglabas ng dala niyang kalibre 38 baril saka iniambang itutok sa kanyang ulo at bibig. Nasa ganitong reaksyon ang suspect ng dumating si Josefina dahilan para silang mag-asawa na ang tutukan ng baril ng suspect at utusang pumasok sa kanilang kuwarto kasama ang kanilang anak na si Francis Daniel.
Sa loob ng kuwarto, inutusan ng suspect si Josefina na Igapos ang kanyang asawa at anak bago palabasin ang mga ito sa kuwarto kung saan doon sinabi ng una na gusto na niyang tapusin ang kanyang buhay dahil wala ng halaga ito.
Pero bago niya gawin ito ay isasama umano ng suspect ang pamilya Cadaing at gagahasain muna niya si Josefina.
Habang nagu-usap ang suspect at si Josefina, nagawa namang makawala sa pagkakagapos sina Francisco at kanyang anak saka mabilis na lumabas ng kanilang bahay at magsumbong sa awtoridad.
Sa kabilang banda naman, nagawa namang makumbinsi ni Josefina ang suspect na pakawalan siya pero, lumipat naman ang huli sa unit ng biktimang si Manalo at ito naman ang hinostage kasama ang tatlo nitong pamangkin.
Dito na sinimulan ang negosasyon ng tropa ng special weapon and tactics ng Quezon City Police District sa suspect at makalipas ang alas- 8:15 ng gabi ay bigla na lamang nagsisigaw ang huli na boluntaryo ng susuko.
Ayon kay Supt. Michael Macapagal, hepe ng PS3, lango sa alak ang nasabing suspect at katatanggal lamang sa trabaho. Kaya nais nitong umutang ng pera ay upang magamit sana niya papauwi sa Cabanatuan City.
- Latest