^

Metro

Kelot, hulog sa 5th floor, utas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Durog ang bungo ng isang lalaki makaraang mahulog mula sa ikalimang palapag ng isang commercial building kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Alexis Pengson, 23, roof installer, residente ng #1007 G. Euseco St., Tondo Manila.

Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, nangyari ang insidente ganap na alas-2:25 ng hapon sa Regalado Hive Commercial Building na matatagpuan sa kaha­baan ng Regalado Ave., sa naturang lungsod.

Sinabi nina Bert Simon Fajelan, project engineer at Antonio Duatin, construction site foreman, nag-uusap silang dalawa sa ground floor ng natu­rang gusali nang biglang nahulog sa tapat nila ang biktima mula sa ikalimang palapag ng gusali kung saan nito inilalagay ang pre-painted na yero.

Agad naman nilang isinugod ang biktima sa Far Eastern University Hospital ngunit idineklara na rin itong dead on arrival. (with Ma. Juneah Del Valle)

 

ALEXIS PENGSON

ANTONIO DUATIN

BERT SIMON FAJELAN

EUSECO ST.

FAR EASTERN UNIVERSITY HOSPITAL

JUNEAH DEL VALLE

PASCUAL FABREAG

QUEZON CITY

REGALADO AVE

REGALADO HIVE COMMERCIAL BUILDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with