5 kilong shabu, nasamsam sa buy bust
MANILA, Philippines - Nasakote ng Quezon City Police District-Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force Group ang dalawang lalaki matapos magÂbenta ng humigit kumulang limang kilong shabu sa isinagawang buy bust operation sa Quezon City, iniulat kahapon.
Ayon kay Sr. Insp. Robert Razon, hepe ng DAID-SOTG ng QCPD naaresto sina Harold Willford Padilla, 34 at Arnel Ignacio, 49, na pawang mga residente ng Luna 2 St., San Agustin Village, Malabon City sa kahabaan ng Banawe St., malapit sa Macopa St., Brgy. Sto. Domingo ganap na ala-6:30 ng gabi.
Nabatid kay Razon, na naaresto si Padilla matapos ang pakikipagtransakyon ng kanilang tanggapan dito para sa pagbili ng shabu na tumitimbang na isang kilo at nagkakahalaga ng P1.5 milyon.
Nagkasundo ang daÂlawang panig na magkita sa naturang lugar kung saan habang lulan sa isang kulay itim na Nissan Terrano (CMV 593) si Padilla ay ibinenta nito ang shabu sa mga opeÂratiba na ugat para siya arestuhin. Narekober pa mula kay Padilla ang isang kal. 40.
Samantala, naaresto rin ang kasamahan ni Padilla na si Ignacio na noo’y sakay sa kulay asul na Mazda Familla (UTN 234) at nasamsam dito ang huÂmigit kumulang apat na kilo ng pinaghihinalaang shabu na nakaÂsilid sa isang bag pack.
Patuloy ang imbesÂtigasyon ng DAID sa nasabing mga suspect habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila. with Ma. Juneah Del Valle
- Latest